Tayo


Noong bata ako, ‘pag nadadapa ako, di ako tinutulungan ni mama tumayo. Tatawa lang siya tapos sasabihin niya, “Oh! Naku, okay lang yan. Tayo ka, anak. Tayo! Kaya mo yan!” Tapos ngingiti lang siya sa akin. Ako naman pipilitin kong tumayo sa sarili kong mga paa. At nang nakatayo na nga ako, sasabihin niya, “Kaya mo naman pala eh! Di ‘ba?” Tapos tatawa na lang kami parehas. Kahit na nadapa ako at nasugatan, nakalimutan ko ang kirot nang dahil sa mga sinabi niya at kanyang mga ngiti. Kaya ko naman pala. Kailangan ko lang bumalik sa batang kong sarili na naniniwalang kaya ko ngang tumayo.

Leave a comment